Skip to content

Kaysarap maging malaya

Mamamatay akong di nakikita ang ningning ng bukang-liwayway. Kayong makakakita, salubungin ninyo siya at huwag kalilimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi - J. Rizal

Bagaman at may mga nagsasabing peke ang kalayaang ipinagdiriwang natin at ang bukang liwayway na hinihintay noon pa ng ating mga bayaning nagbuwis ng buhay ay pinaliliwanag lamang ng mga artipisyal na ilaw..gusto ko parin kayong batiin ng Maligayang Araw ng KALAYAAN.

Napakapalad natin dahil kahit paano’y may nakikita tayong liwanag. Ipagdiwang natin ang liwanag at ‘wag tayong padaig sa dilim na dulot ng pagkamakasarili, pagtataksil at kawalang pagmamahal.

 

PS: ang larawang ito ay kuha ko sa loob ng FORT SAN PEDRO (sa cebu city)  noong nakaraang Abril.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.