Skip to content

Hello world! nahehelo ako sa ‘yo!

September 11, 2010

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Salamat sa iyong mainit na pag-welkam kaibigang wordpress.com. sana lang sa susunod wag mo na akong englisen–halata kaseng hindi tayo close kapag ganyan.

Ito ang unang poste sa blog na ito kaya naman gusto ko munang magpakilala sa inyo. ako si pilosopo tacio. isang henyo sa maraming bagay. ‘yon kase ang sabi ng nanay ko. henyo daw ako kaya naman pinaninindigan ko ito. Nga pala, may medal ako nung nag-graduate ako ng elementary, most silent lang naman kaya hindi ko na dedetalyehin pa ito. ang alam ko lang, napaiyak pa ‘yong nanay ko habang isinasabit sa akin yong medalyang iyon.

samahan n’yo ako sa aking mga adbentyur. ako si tacio, mensahero sa araw, balot vendor sa gabi at sa umaga naman ay naglalako ng pandesal. oo, madami akong trabaho, hindi kase sapat ang isang trabaho para mabayaran ko ang bill ko sa internet, postpaid plan sa telepono at kung anu-ano pang bayarin.

sa ngayon, ipinapanalangin ko na sana ay matanggap ako sa inaaplayan ko–gusto ko kaseng pumasok na tindero ng fisbol kay mang dado.

o sige, kailangan ko nang maglako ng tinapay. baka hinihintay na ako ng mga suki ko. sa susunod na post, ikukwento ko sa inyo ang ilan sa mga karanasan at kwentong nasasagap ko habang ako ay nasa trabaho.

salamat sa pagbabasa kaibigan

Pilosopo Tacio

PS: i-shutdown ko na ang aking  toshiba laptop. ilalagay ito sa aking bag at dadalhin habang naglalako ng pandesal. hindi ko kase maiwan ito sa aking barong-barong. madami kaseng magnanakaw dito sa aming lugar–mahirap na.

Advertisements

From → personal

10 Comments
  1. Hi, this is a comment.
    To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.

    • Mr wordpress, ahh comment pala yan. tenk yo sa comment mo. salamat din sa instruction. ayaw kong i-delete hayaan mo lang dyan yan.okay lang yan.mahiyain ka naman masyado. add kita sa links ko ha.

  2. welcome dito sa wordpress.

  3. ha ha ha…toshiba laptop sa paglalako…? ingat lang ha, baka mapagkamalan mo itong empanada….dalaw lang…

  4. hello, padaan! 🙂

  5. How sosie naman the balut vendor cum tindero ng pandesal in the morning.

    Poide me hiram ng iyong laptop na may brand pa.

  6. lipadlaya permalink

    Welcome sa WP.. Sosyal naman ng balut vendor/maglalako ng pandesal na to… hehehe..

  7. Haha! Nakakatuwa naman itong intro mo. Naaliw ako kasi pati si wordpress ay sinagot mo.

    Aabangan ko ang nagtitinda ng balut dito sa amin at pagmamasdan mabuti. Kung may dala siyang laptop, makasisiguro akong ikaw na yun haha!

    Maraming salamat for the kind words na iniwan mo sa komento mo sa blog ko. Magandang hapon po.

  8. haha kinausap ang WP taragis! pati ang comment sinagot! waaah! pilosopo ka talaga! at wait! theres something more!!!! MAY TOSHIBA LAPTOP!!! hhaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: