Skip to content

Libreng wifi na na-lowbat pa!

September 13, 2010

*kulog…kulog uli…at kulog pa!*

“Badtrip uulan nga! Patay ang negosyo! Pano ako makakaubos ng tinda kong balot kung ganito?”.  Mabuti na lamang at malapit ako sa isang restaurant kanina bago umalan kaya naman nagkaroon pa ako ng pagkakataon para makililim dito.

Pagkagaling ko sa opisina kanina (messenger ako dun), nagmamadali akong umuwi para maaga akong makapagsimulang magtinda ng balot dito sa lugar namin. Pero mukhang walang silbi ang pagmamadali ko dahil biglang umulan! Badtrip!

Mabuti nalang at kilala ko ang secu ng resto kaya naman okay lang sa kanya na makisilong muna ako sa gilid ng restaurant na binabantayan niya habang patuloy sa pagpatak ang ulan. Sumandali muna akong sumandal sa pader at nagpalinga linga sa loob ng may nakita ako.

“FREE WIFI! What?! Totoo ba ang nababasa ko?”

Dali-dali kong inilabas mula sa aking bakpak ang laptop kong hulugan. Ipinatong ko ito sa aking basket at pinindot ang ON.

Ilang sandali pa.

“Connected! Yes!” Salamat naman, hindi ako maiinip habang nakatunganga at nagpapatila ng ulan. Pero inaalat yata talaga ako ngayong araw na ito!

“Lowbat?!” Nagamit ko nga pala sa opisina kanina ang battery ng laptop ko dahil naglaro ako Plants vs Zombies. Brownout din kase kanina kaya naman halos maparalisa ang aming  opisina. Halos maghapon yatang walang kuryente kaya naman walang inatupag ang mga tao sa aming opisina kundi magkwentuhan ng buhay ng may buhay. ‘yong iba naman sadya sigurong walang hilig sa mga ganoong kwentuhan kaya naman pinili na lamang manahimik sa kanilang upuan habang naglilista ng mga numerong lumabas sa jueteng.

Dumating nga pala bago mag-lunchbreak ‘yong boss namin at nang mapansin ako …

“pssst., tacio halika.” Syempre nagmamadali akong lumapit sabay bati ng (hindi ko alam kung ano ang ibabati ko sa kanya, gud morning o gud afternoon! Gud morning nalang para kunwadi maaga siyang dumating) “Good morning po madam”.

“Maghapon daw ang schedule ng brownout kaya wala kang mailalabas na papeles ngayon sa opisina natin. Sa madaling salita, wala kang gagawin kaya pakilinis mo nalang muna ‘yong CR natin ha”.

“Yes, po madam”, sagot sa kanya atpumunta na ako ng CR

Maglilinis n asana ako nang mapansin kong walang tubig!

“Wah, badtrip!” Oo nga pala. Pano magkakatubig e kuryente ang ginagamit ng water system namin para mag-pump ng tubig?

“Badtrip talaga!” kaya naman sa halip na maglinis ay naglaro nalang ako ng plants vs zombies sa C.R. medyo masansang ang amoy pero kaya pa namang pagtyagaan.

At dahil nga sa hindi na nagtagal na naka-on ang laptop ko (sayang libreng wifi), isinara ko na ito at tumunganga nalang. Mga kalahating oras pa akong nakatambay sa kinauupuan ko sa gilid ng restaurant na iyon nang huminto na ang ulan.

“Haay, salamat naman.” Naibulong ko sa sarili ko sabay bitbit ng basket.

“baaaloooot”! sana makadami ako ng benta ngayong gabi.

Advertisements

From → karanasan

21 Comments
  1. salamat sa pagdaan nice post. lov et

  2. Sphere permalink

    ahahaha pag minamalas ka nga naman tuloy tuloy 🙂

    salamat sa pagdaan sa bahay ko Tacio 🙂 hug kita sa blogroll ko ha…pwede bang Lolo Tacio ipangalan ko sayo kapangalan mo lolo ko 🙂

  3. ha ha ha …kayang-kaya mo pala na gumawa ng maikling kuwento…hanga talaga ako sayo…tira lang ng tira! 😀

  4. when it rains, it pours!

    pag minamalas, it pours tlaga! hehe..

    pero pag sinwerte, bat d bumubuhos noh? siguro ayaw tayong bigyan ng Panginoon ng sobra2 para d natin sya makalimutan.

    ang kamalasan, ituring mo na lang na trials sa buhay. wag kang susuko. ibigay mo ang kaya mo para makuha ung goal mo.

    teka ano bang pinagsasasabi ko? haha,, napadaan lang!

    magkano ang balot ngayon?

    • haha.salamat sa pagdaan juan. natuwa ako sa mga sinabi mo.halos isubsuob ko ang mukha ko sa laptop ko sa sobrang tuwa.

      mura lang ang balot ko. P15. may libreng asin.

  5. Ang malas nga nman…. Cge lng sa susunod nman…. May sunod pa nman eh…. 😀

  6. o well dat’s layp!

  7. multi tasking.

    messenger.taga-linis ng cr.gamer.taga testing ng libreng wifi at magbabalot.

    bihira ang gaya mo,tacio.nagagalak akong makilala ka!

    • haha.yun ang asset ko.pwde sa lahat kaya naman nadaig ko yong ibang aplikante at ako ang nahire bilang messenger. 🙂

      nagagalak din ako at nakilala kita. 🙂

  8. @ Pilosopo Tacio..!
    welcome sa wordpress..!
    susundan ko…
    ang bawat kuwento mo..! 😉

    ps..:
    meron ka bang penoy..?
    mag kano isa..?
    puwede ka bang mag deliver..?
    free delivery ba..?
    or may delivery charge..?
    libre ba suka..?
    eh chicharon…
    meron ba..?
    kung meron..,
    paki text nga ako..!
    at o-order ako nang tatlong disena..!

    *************************** 😆 ********************************

    pps..:

    nga pala..,
    bago mo ako text.,.,
    tanong ko lang…
    smart ka ba or globe..?

    ************************ 😆 *********************************

    ppps..:

    ito ba ang kuwento mo..?

    Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.

    Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.

    Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”

    Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.

    Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

    Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.

    Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.

    *************************** 😆 *****************************************

    • kaibigang daniel, ang galing mo namang sumulat.mula intro hanggang sa pinakahuling tuldok diko pinalampas. hanep.

      nga pala.globe ako. order kana at ipasabay ko nalang sa delivery ng mcdo.haha

  9. lipadlaya permalink

    kaibigang tasyo, napakasipag mo naman… hinay hinay lang… pabili nga ng balot… hehehe

    • haha.salamat. sa hirap ng buhay kase ngayon ay kelangang magsumikap. ilan ba ang bibilhin mo? kung bibili ka ng limang dosena may libreng isang tabong asin.gusto mo? babasagin ko na!

  10. Pangalawang bisita ko sa bahay mo Tacio. Ang sarap magbasa ng isang Pinoy na Pinoy na kuwento(mga buhay-buhay sa loob ng opisinang Pinoy) lalo na ang iyong tindang ‘baloooot’…hayyy miss ko ang balot….

  11. i love this one! =) hightech balot vendor! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: