Skip to content

wag mo akong salangin

September 16, 2010
“Wala bang tawad? Tatlo naman ang binili ko eh”, hirit ng isang mama sa akin habang dumudukot ng pera sa kanyang bulsa.
“Kuya, dadagdagan ko nalang po ang asin mo”, marahang sagot ko sa kanya. Kailangan kong maging magalang dahil mukhang nakainom ang mokong na ito. Mahirap na, baka mapagtripan pa ako.

  

“O sige, ayaw mong magpatawad e. Sa ‘yo na ‘tong isandaan”, nanlaki ang mata ko nang naaninag ko na isang daan nga ang inabot niya sa akin. Dali- dali ko itong inabot at nagkunwang susuklian (kahit na nagregister sa utak ko yong sinabi niyang “sa yo na’tong sandaan” umi-echo pa!). pero ipinilit nito na sa akin na ang sukli. “Salamat po kuya”, todo ngiti ako habang iniaabot ang bote ng suka. 
Binitbit ko ang basket at nag-umpisa na muling maglakad para ibenta pa ang natitirang balot na laman nito. Ngunit nakakailang hakbang palang ako, “Psst, Bata, sandali lang!”, sabay hawak sa balikat ko kaya naman nagulat ako. “ikaw naman umaalis ka agad”paninita nito sa akin”. 
“Eh…ku..kuya, pasensya na po”, sagot ko sa kanya habang ang mga mata ko ay tumitingin ng daan na pwde kong takbunan na mabilis akong makakalayo kung sakaling may masamang binabalak siya sa akin. “Wag naman po sana” nasambit ko nalang. ‘Yun lang at mabilis ba baglaro sa isip ko ang mga nangyari sa ilang mga kaibigan kong nagtitinda rin ng balot na matapos kainin at hindi bayaran ang tinda ay nagawa pa ng mgasasamang loob na kunin ang kanilang pinagbentahan. Inihanda ko ang aking sarili sa anumang mangyayari. “Haay, minalas na ako maghapon sa opisina, hanggang gabi ba naman”, nasambit ko nalang. 

 

“O bakit parang namumutla ka?”, ngumunguya pa siya ng balot habang nagsasalita. Hindi ako makasagot. 

“Ilan pa ba yang natitirang tinda mo?” tanong sa akin at animo’y may unti unting dinudukot na kung anu sa likod ng kanyang pantalon. 

“Ta—ta..tatlo po” nanginginig na sagot ko. Hinigpitan ko na ang hawak sa basket ko dahil handa na akong kumaripas ng takbo kung anuman ang mangyayari. 

“Tatlo! Sige kukunin ko na, nakalimutan ko nga palang ibili ng pasalubong ang bunso ko”. Inilabas nito ang kanyang pitaka (yun pala ang dinudukot niya kanina) at iniabot sa akin ang P50. “Sa ‘yo na yan. Basta dagdagan mo ng asin ha”. 

“Haaay, halos himatayin na ako sa takot kanina. Ang dami nang masasamang pangitain ang naglaro sa isip ko”. Pagkaabot ko ng balot nagpasalamat muli ako sa kanya at siya naman ay pasuray-suray nang naglakad papalayo sa akin. 

“Tooot…toooot…tooooot”, nag-alarm ang selpon ko kaya naman dinukot ko ito sabay pindot ang cancel button. “Alas diyes y medya na pala ng gabi, kailangan ko nang umuwi ng bahay para makapagpahinga”. 

Pagdating ng bahay –background music, MY WAY (Galing sa isang videoke na malapit sa amin)–isininop ko lang ang ilang gamit at nahiga na ako. *Background music uli galing sa videoke, I WILL SURVIVE, lashing version.* 

“Lord, salamat po, nakaubos ako ng paninda at may tip pang ibinigay ang mamang iyon sa akin. Salamat at iningatan mo ako sa maghapong ito”. Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko nang tumunog ang selpon ko idagdag pa ang tunog na ito galing sa videoke *TANANAAN..TANAAN…..TANAN…..!* Badtrip, sino ba naman ang hindi magigising! 

Inabot ko ang selpon ko mula sa may ulunan ko at binasa ang mensaheng dumating. 

“Hoy, Tacio, may e-mail me sa u, di U man lang reply jan. kelangan me ng tulong u. Snab u nman!”, wala na akong natitirang lakas pa para makipagbolahan kaya nireplyan ko nalang ng ganito “K, read ko 2m”. 

Pagka-send, ini-off ko na ang cp ko. *Zzzzzzzzz. Ngooork.* 

Ano kaya ang laman ng e-mail na iyon? Abangan sa susunod na poste ng Kwentong Tacio, online kwentuhan ng bayan. 

Advertisements

From → karanasan

5 Comments
  1. wla me msabi…glat me sa talen2 mo…ksmng tco…+ + pa!

    abngan q ang email 😀

    • hehe.salamat kasamang loren.
      sa totoo lang matagal ko nang gustong magsulat ng mga kwento. mula sa pakikinig kina simatar at kung anu ano pang drama sa radyo ay minsan ko ring pinangarap maging manunulat. at ngayon nga ay susubukan ko ito.
      salamat sa pagdalaw.

  2. tira lang ng tira! saka na lang mag-ayos kung marami na….write in white heat…blog in white heat…tirahinmo habang umaapoy pa…

    saka na lang tayo…babalik…mayroon akong nakikitang magandang hinaharap…

    pag-iipunanko na to…

  3. saan banda kaba naglalako ng balot at makabili nga hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: