Skip to content

E-mail ni Ms Samting

September 18, 2010

TOOOT…TOOOOT…TOOOT.

Tumunog ang alarm clock ko. Ibig sabihin umaga na. Pero matapos kong i-off ang alarm nito ay nahiga uli ako.

“Tawad 5 minutes lang”, pipikit na sana uli ako nang maalala ko ‘yong tungkol sa e-mail na itineks sa akin.

Pagkatapos magtupi ng unan at kulambo, inabot ang aking laptop. Pinindot ang power button at iniwan ito sumandali habang nag-i-start. Detetso ako sa cr para umihi.

Pasok ako sa kusina na ilang hakbang lang ang layo mula sa higaan ko. Nilagyan ng tubig ang takuri at isinalang ito sa kalan.

Binalikan ko ang aking laptop at hinihingi na nito ang aking password. Kinapa ko ang keybord at itinayp ang ********************** at pinindot ang enter.

“Huwaaaat?!” ito ang unang reaction ko nang mabasa ang e-mail ng isang kaibigan na itago na lamang natin sa pangalang MS. SAMTING. Habang ninanamnam ang bawat salita sa e-mail ni Ms. Samting, bigla kong naalala yong pinapakulo kong tubig. Takbo ako sa kusina.

Humihigop na ako ng mainit na kape nang bumalik sa tabi ng laptop.

Eto ang laman ng e-mail ni Ms. Samting. Gusto kong ibahagi ito sa inyo upang makapagbigay din kayo ng komento, payo o reaksiyon sa kanyang sitwasyon.

Kuya Tacio,

Busy ka ba?

*sipsip ng sago, tingin sa malayo*

Bat ganon noh minsan pakiramdam mo nakuha mo na siya yun pala pakiramdam lang pala talaga kasi di naman talaga. Ang gulo ko ba? Parang may samting sa inyong dalawa pero di mo alam kung ano yun. Nahihiya ka naman itanong kung may samting siya sayo kasi baka masupalpal ka ng samting sa mukha. Ang hirap din namang hulaan kasi iba-iba ang timpla niya.

*hinahalo ang sago*

Minsan ang sweet niya sayo, minsan naman parang nababahuan siya sayo. Parang bipolar bear! Tapos kapag di ka naglalambing kung anu-ano sinasabi… tapos kapag kinakalabit mo naman nagpapapampam! Ang sarap sapakin. Pero kapag naaamoy kong nagseselos siya parang gusto ko siyang yakapin bigla. *sipsip ulit ng sago* Pero minsan parang wala lang. Di ko alam kung san pepwesto. Di ko alam san lulugar. Walang KAMI pero parang kami. Gusto kong pag-usapan namin pero baka matapos ang di pa nasisimulan. Hindi sapat yung nararamdaman ko para magpasya kung anong meron sa aming dalawa. Dyahe namang ako ang magda-moves diba? Baka maisalya ko sa pader, mahirap na. Sana pwede na lang igoogle kung anong nararamdaman ng tao sayo para di tayo nangangapa.

*tanggal ng straw, lulon ng sago*

wat to do?

Ms. Samting

‘Yan po ang laman ng e-mail ni ms. Samting. Eto naman ang reply ko?

Ms. Samting,

Ang adik ng intro mo ha. May patingintingin sa malayo ka pang nalalaman. Di kaya, samting is rong wid yo?

Ang masasabi ko lang, tandaan mo ito at isulat kung maaari, minsan madaya ang damdamin. Minsan o madalas magkaiba ang akala sa totoong sitwasyon. Kaya nga maraming namamatay sa maling akala e.

Higop ng kape

‘Yong sinasabi mong parang nakuha mo na siya, hindi ko alam kung bakit mo nasabi yun. Inangkin mo naba sya o tinangka ka ba niyang angkinin? Sana naman, nagkwento ka ng konteng background tungkol sa inyo para naman alam ko kung anu ang sitwasyon nyo. Saan ba kayo nagkakilala nitong damuhong ‘to? Bakit mo nasabi na may samting? Maaaring sa ‘yo samting nga pero sa kanya maaari namang nating. Bakit? e kase naman baka kasinlabo ng tubig lubak ang sitwasyon n’yo. Malay mo namimiss lang pala nung tao ‘yong lola nya kaya sweet sya sa ‘yo. Tapos ikaw naman feeling nasa ulap sa tuwing magpapaka-sweet sya. Ibuhos ko kaya sa ‘yo ‘tong kapeng hinihigop ko! Wag kang mangapa sa dilim, masmasarap kapain kung sigurado ka kung ano yong kinakapa mo. Baka mamaya akala mo ahas, yun pala bulate lang yong makapa mo. Sayang diba?

Higop ng kape habang pinipindot ang down arrow sa keyboard

Kung gusto mo talagang gumawa ng moves, bakit nga hindi. Kesa naman habang buhay kang aasa sa samting…kesa naman manahimik ka’t magsisi balang araw dahil wala kang ginawa. Siguraduhin mo lang na hindi wrong moves ang gagawin mo dahil kapag nagkataon, baka ma-game over ka ng maaga.  awts.

At pang huli, itong sinasabi mong “Sana pwede na lang igoogle kung anong nararamdaman ng tao sayo para di tayo nangangapa”, alam mo ang hilig mo sa kapaan. Alam mo, wag kang masyadong belib kay google, i-try mo kaya si askjeeves.com.

Hanggang dito nalang. Salamat sa e-mail mo Ms. Samting. Dalangin ko na sana’y luminaw na ang bagay-bagay na malabo sa inyong dalawa. Sana hindi lang ikaw ang nangangapa, sana siya rin kapain kana n’ya :-).   

Kailangan ko nang maglog-out dahil hinihintay na ako ng mga suki ko. Dadaan pa ako sa panaderya para kumuha ng ilalako kong pandesal.

nagmamahal

kuya tacio

Ikaw, ano ang masasabi mo sa sitwasyon ni Ms. Samting?   

 

…………………………………………………………………………………………………

Kaibigan, kung ikaw ay may nais na ihingi ng payo o may kwentong nais ibahagi sa kwentong tacio, inaanyayahan kita na mag-email sa pilosopo_tacio@ymail.com.

makakaasa po kayong pangangalagaan ko ang inyong identity.

salamat po.

tacio

…………………………………………………………………………………………………

 

 

Advertisements
19 Comments
  1. mssamting permalink

    baka nga samting si rong wid me kuya tacio. at ung angkinan matter naman masyado naman advance ang imagination nyo di pa kami umaabot jan kasi conservative siya eh ^.^ anong ahas at bulate pinagsasabi niyo? iba yatang kapaan ang iniisip nyo… ikaw kaya kapain ko este sabuyan ko ng kape.

  2. @ Pilosopo Tacio..!
    payagan mo akong…
    sulatan din si mis samting..!
    okay lang ba sa iyo..?
    anyway..,
    ito ang aking liham para sa kanya..! 😉

    Dear Miss Samting..,
    una sa lahat…
    nais kong…
    ipa alam sa iyo na…
    matagal nang wala sa uso ang..:
    FAIRYTALES..!
    hindi na gaano…
    pinag uusapan ngayon sila..:
    CINDERELLA at SLEEPING BEAUTY..!
    kaya yung mga dramang ganyan sa lovelife..,
    na kung tutuusin ay…
    inspired sa buhay fairytale..,
    WALA NA SA USO..!
    mabilis na ang takbo nang buhay ngayon..!
    kung babagal bagal ka…
    mapag iiwanan ka..!
    kailangan…
    kilos agad..!
    go go go..!
    wag mo nang patagalin pa yan..!
    kung feeling mo…
    MAY SAMTING KAYO…
    pero hindi naman malinaw…
    ABA..!
    NILAWIN MO..!
    MAHIRAP DING MASYADONG ASSUMING LANG..!
    baka bandang huli…
    ikaw lang pala…
    NAG AAKALANG MAY SAMTING..!
    TAPOS SIYA WALA NAMAN PALA..!
    so..,
    yun ang advise ko sa iyo..!
    LINAWIN MO..!
    ITANONG MO..!
    at kung ano’t ano pa ang kanyang sagot..,
    atleast..,
    ayon nga kay pacman..:
    ” NOW YOU KNOW “..!
    DIBA..?
    gawin mo na iyan sa madaling panahon..!
    bago pa mahuli ang lahat..!
    okay..?

    lubos na gumagalang..,
    Daniel P. Yuson Jr 😉

  3. Rico Catinec permalink

    Ang masasabi ko lang kay miss samting,,,
    Ganyan talaga ang tao,,
    Parang kape at sago’t gulaman..
    Haluin mo para kumagat ang lasa,,
    BTW, ito pala ang first time ko sa blog mo…

  4. Dear Ms Samting,

    Baka pera lang ang habol niya sa’yo kaya sweet siya. Wag mo siya ilibre ng gulaman.

    ;]

    • mssamting permalink

      awan ti kwarta! WALA SIYA MAHIHITA SA AKIN…

  5. parang may something dito…

    hmmmm

  6. patay na…wahahaha

    natawa naman ako ng maraming beses dito.

    salamat sa entry na ito.

    nakakatuwa

  7. AMMM ms samting gamitan mo ng alindog mo. o kaya ahhh kuha ka ng lubid. (wag nylon ha baka masugatan) itali mo sa paa tapos kabit mo sa bewang mo.

  8. Junice Lopez permalink

    hayy naku.. linawin na yan! nabiktima na ako ng samting na yan! hehe ang hirap mangapa sa dilim!

    hehe ang kulit ng kuya tacio natin dito! expert! parang si Dr. Love!! hahaha

  9. 😀

    parang online na ‘itanongmo kay tulfo’ ito a… (hitit ng yusi) at mamaya, makaresibka ng parang ‘dear xerex’ parekoy…

    newey, ip der is samting, do samting…ms.samting… gawinmo adbays ni ka tacio at ni ka daniel yuson… (hitit ng yusi…buga buga ng usok..hiti ulit)

  10. maganda na pag-usapan nilang dalawa.
    dumaan lang po mang tacio.
    be blessed po!

  11. Sphere permalink

    Dear Ms. Samting,

    Mahirap ang kalagayan mo bulag kaba at kailangan mong mangapa?

    kagat labi sa bandang kaliwa…

    malabo ang samting maniwala ka kasing labo ng adobong pusit parang kasing labo ng stamp sa Manila City Hall kaya habang maaga pa alamin mo ang kung anong meron sa samting na nararamdaman mo bago pa magtakipsilim at mahulog ka ng tuluyan sa Ilog Pasig at pagpyestahan ng mga Janitor Fish.

    Kagat labi sa bandang kanan…

    Hayaan mong puso ang mangusap? hayaan mong puso ang magtanong patungkol sa samting na nararamdaman mo dahil pag puso na ang nangusap hahamakin nya ang lahat wasak ang lahat ng klaseng pwedeng mawasak…

    kagat labi i mean full lips na ito…

    Huwag mo nga palang hayaan puso ang mangusap ipapahamak ka nito dapat pagbatiin mo muna si Isip at si Puso madalas magbangayan ang dalawang yan pag bati na sila saka ka UMARYA!!!wag mong hahayaan na gasgasan ng kahit sinong Pilato ang puso mo alagaan mo ito gamit ang utak mo:-)

    Ang iyong Lingkod,

    Sphere

  12. for mis samting,

    ganyan daw talaga ang mag-asawa, syempre sa araw araw na magkasama kayo e nawawalan na ng spices ang samahan, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, dapat mong alalahanin ng sinumpaan nyo sa simbahan na walang iwanan peksman. Obligasyon mo ngayon na sabugan ng major major na pampalasa ang inyong pag-iibigan.

    wag sumuko, wag mag-alinlangan, ibalik ang muling linamnam ng inyong pinagsamahan.

  13. ang laki nga ng problema ni ms. samting…payo ko po makipagusap sya sa guy.kase mahirap talaga kung hindi ka sigurado sa sitwasyon nyo.malay mo may samting na mangyari senyo tapos iwan ka lang bigla.may iba pa pala sya kala ikaw na talaga pala parausan ka lang nya.kaya kung ako sayo ms samting go make your move…

  14. Ms. Samting permalink

    aruy d naman kami aabot sa ganyan hahaha… wag ganon!

  15. itanong mo na! wala ng patumpik tumpik at hiya hiya! sus 2010 na!!!! ehehheh!!!
    e prang kilala ko pano magsulat si ms sumthng! ehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: