Skip to content

Ibarra at sisa, nag-EB nga ba?

September 22, 2010

Haaay, umaga nanaman. Syempre ako uli ang unang pumasok sa opesina. Nakasanayan ko na yatang maagang pumapasok, kase naman nung nasa elementary ay ako ang taga-bukas ng classroom namin.

Pagdating ng ofis, nagpunas-punas muna ako ng mga upuan at estante.

“Makapag-check nga muna ng e-mail.”, naisip ko habang inilalapag ang aking bag. Tapos na akong maglinis nun kaya dali-dali kong hinila ang aking upuan palapit sa aking mesa. Wala pa kase ‘yong ibang ofismates ko pati ‘yong boss namin kaya naman alam kong wala pa akong gagawin maliban  nalang kung paglinisin nanaman ako ng CR ng boss namin. Hindi kase nakakapaglinis ng ofis ‘yong aming janitress. Matanda na kase ito saka may permanent item na kaya sobrang tigas na ng ulo (kaya hindi masisisi ‘yong iba na hindi nagpe-permanent ng janitress o kaya naman ay kumukuha nalang sila sa agency) at at mas feeling boss pa sa mga batang empleyado. Ano ‘to, patandaan? Oo, ganito sa amin, tanda ko pa nung nag-aapply ako ng trabaho sa opisinang ito. Bago ang interview, naisipan kong mag-cr muna para naman relax ako pag ako na ang nakasalang na iinterviewhin.

Pagkatapos kong mag-CR, nasalubong ko ang aling ito, nakasimangot. “Empleyado kaba dito”, tanong nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

“Hi..hindi po. Aplikante po”, na-smile pa ako sa kanya nun para makita ‘yong dimple ko.

“Haay naku, napapagod na ako sa kalilinis dito. Dito pa kase nagsi-CR eh”. nanalilisik ang mga mata ni ate.

“Hello, CR kaya yan. At ano naman ang gagawin mo kung walang gagamit ng CR?” balak ko siyang sagutin pero dahil aplikante nga. Nagsori nalang ako sa kanya.

Natanggap ako sa trabaho, unang pasok ko nag-CR ako at nagkataong papalabas sya sa pinto nung akmang papasok ako, tinitigan nya ako sabay kamot sa ulo, “Haay naku kalilinis ko lang!” hindi ko siya pinakinggan, dumeretso parin ako para magCR.

Madami pa akong kwento tungkol sa janitress naming pero ayaw kong sayangin ang kwento ko sa kanya. Balik tayo sa pagbubukas ko ng e-mail.

“145 unread emails! Ang dami naman!” puro spam lang pala. Delete! Pero may isang e-mail na napagtuunan ako ng pansin.

 ———————————————————————————————————–

From: ************ (itatago ko para maprotektahan ang kanyang katauhan).

Subject: payuhan mo nga rin ako

 ———————————————————————————————————–

Payong pag-ibig nanaman kaya ang kailangan nito o tamang spammer lang? Sige na nga, wala naman akong magawa pa eh, basahin na natin:

Kuya Tacio,

magandang morning to you. Nakita ko kaagad your website sa aking pagbobloghop. And napag-alaman ko na you pala is making payo to your avid readers. Kaya nagmake decision me na magpacheck-up ng pusong heart.

 This is my kwento na…

I was in Kolehiyo when nagkaroon me ng relationship with this babaeng girl na i-hide na lang natin sa name na Vera. Naglast ang aming pag-iibigan ng mahigit kumulang isang years old. Ang dahilan is time, idamay na din the long distance relationship. It’s like ganito kasi, quezon city boy me, quezon province her.

Nagdaan ang oras at time, zero na ang connection namin sa isa’t isa. People come and go sa akin, na dili me nagkakaroon ng serious relationship. Puro close friend and flings only (lande) dili nauuwi sa serious bf/gf mode. And may narealized me after this incident…

1 year has passed na nga sa aking relasyon kay Vera ng biglang…

 I opened my facebook account and itong si Vera ay nag make friend request sa akin. Kumabog ng many times at pagkalakas-lakas much ang aking heartbeats. Nakatulala lang me sa picture nya kasi I have no hidden memories of her and of us together. Ni wala me tinagong pictures niya, or anything connected to her. And ngayon, ina-add nya me sa facebook…

 In just .0001 second, accept kaagad her friend request. Siya pa rin pala ang tinitibok ng aking heart. Kaya pala dili me matablan ng true love sa ibang girls these past few moments of time.

Browse, browse ng kanyang fb profile, na shock na lang me ng may nakita me na picture.

Si Vera, nagkamerong kargang baby, and then may photo comment na: “Kamusta na kayo ng baby mo?”…

 And one thing that I noticed din ay walang picture ng father ng baby sa kanyang FB Profile. What to do? What to do?

 Sana maka get me ng good payo from you Mr. Pilosopo Tacio. And to the other tao here na magmamake-comments. Thank you and more power to your show, este to your site.

 

 -Manuel (hindi tunay na pangalan)

Ayun naman pala, nagbabasa pala s’ya ng blog ko. Sige, replayan ko na.

.

Manuel (hindi tunay na pangalan),

Ikaw naman nakita mo lang si Vera naadik kana agad.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nagra-rush ako e. Baka kase dumating na ‘yong boss ko. Tungkol sa baby na kasama nya sa picture, dapat i-confirm mo muna kung anak nga nya yun bago ka bumuo ng conclusion dyan. Oo nga at may photo comment na ngangungumusta sa kanila ng baby nya, pero hindi parin ‘yon sapat para sabihin nating may baby na sya. Baka hindi lang din alam ng nag-comment na yun na mangkin pala nya ‘yong bata o kaya nama’y pumasok palang yaya itong si ex Vera mo.

Ngayon, kung anak nga nya yun, wag kang masyadong advance mag-isip. Kung wala man ‘yong tatay nung bata sa larawan, hindi ibig sabihin e nakabuo ng mag-isa itong si Vera. Malay mo naman itong tatay ng bata ang kumuha ng larawan. Diba? Sige, pagbibigyan kita sa iniisip mo (kung ‘yon ngang iniisip mo ang iniisip ko) tanong ko, handa ka bang magkaroon ng instant baby? Pero bago mo sagutin yan, mabuti pa i-pm mo sya’t kumustahin. Itanong mo narin kung baby nga ba n’ya yong nasa pix at kung sino ang kasama niyang bumuo nito.

Mabuti pa gawin mo ‘to, bumili ka ng tatlong tablet ng alaxan, dikdikin ito at ihalo sa isang kilong pinulbos na sili. Pakuluan sa lood ng tatlong oras ito kasama ng isang kilong tinadtad na dahon ng saging. Kapag luto na, ilagay ito sa timba at pasanin ito paikot sa barangay nyo. Marahil ay tinatanong mo kung para saan ito. Wala lang, gusto ko lang may pagkaabalahan ka para hindi kung anu-ano ang pumapasok dyan sa kokote mo.

Manuel, totoong mahirap makalimutan ang babaeng tunay na tinibibok ng puso. Pero sabi ko nga, minsan madaya ang damdamin. Minsan inililigaw tayo nito hindi kase alam ng puso ang batas. Ang alam lang nito tumibok. Hindi nito kinokonsidera kung may masasagasaan ito o wala. Awts!

“Hoy, tacio” nandito na pala ang boss ko.

“Pakiprint mo nga itong nasa flashdrive ko tapos i-xerox ko ng 50 copies each”. Bago ko abutin ‘yong inaabot niyang flashdrive, nakuha ko pang i-send ‘yong reply ko sa e-mail ni manuel (hindi tunay na pangalan).

Mukhang malaki ang problema nitong si kaibigang manuel, kayo anong maipapayo n’yo sa kanya?

—————————————————————————————————–

Kaibigan, kung ikaw ay may nais na ihingi ng payo o may kwentong nais ibahagi sa kwentong tacio, inaanyayahan kita na mag-email sa pilosopo_tacio@ymail.com.

makakaasa po kayong pangangalagaan ko ang inyong identity.

salamat po.

tacio

—————————————————————————————————–

Advertisements

From → e-mail sender

31 Comments
  1. Menay68 permalink

    Nice payo u hav ha tacio.

  2. Ms. Samting permalink

    bakit di mo kausapin manuel mabuti na yung malinaw di gaya nung sa akin malabo pa sa hamog….

  3. Pamunas permalink

    … kung meron pang spark bakit di mo itry ulit, malay mo, malay ko, malay nating lahat.

  4. haaa!? ano ka ba dyan, tacio…messenger o clerk? bat may lamisa ka pa? at komputer? nagtatanong lang…

    ‘kalako koleheyala si manuel (di tunay na pangalan) at bisaya kasi may padili-dili pa…. awts! sa quezon pala…parang SMS ang dating ng mail pero ang haba naman…newey maganda ang payo mo at nagustuhanko ang mga konkaksyonmo na gamot sa alaala…hay naku, tacio ka nga tlga!

    @manuel (di tunay na pangalan), hoy magisingka! kurutinmo ang pisngimo at dika mabangungot. di ata lahat na nasa FB totoo…siguraduhinmo hindi lang spam ang inadmo…ano ba ang facebook? he he he… leecher ka ba? o seeder? o yung echosera lang sa buhay ng iba at nakikialam sa status? tanunginmo: ako ang tatay na yan, pag sinagotka na hindi…maglakadlakad ka na lng sandali…tapos iklikmo..ang like. dahil mahalmo si ex vera, i-unfriendmo na lang para dika mahurt at i-add mo ko, may jobs pa ako sa mafia…sa vampires, sa FV, sa cafe, chips sa poker…hay…makapagblog na nga sa basurerong pinoy…

    • ka loren, ganun talaga. kase sa ibang company ako work dati. na-pirate lang nila ako at isa sa mga pangako nila sa akin na dadagdagan ang trabaho ko (haha) kase ginawa nila akong messenger 2. messenger 1 lang kase ako sa pinanggalingan ko.

      salamat sa pagdalaw.

  5. wow love doctor talaga si pilosopo tacio!!! buti di ka masyadong namimilosopo. hohohoho

    manuel, marami na silang payo, wala na kong madagdag… fighting spirit na lang kulang sayo eh

  6. Hi pilosopong tacio. hmmm first time ko here. hehe.
    Eniwey about manuel (at dahil si vera ang girl kaya sya manuel?) magkaribal fan ka din ba? 😛
    Di nya na state kung bakit sya humihingi ng payo, for what?? he only told the story, no questions asked. 🙂 hmmm at naisip ko na kung ano yung tanong nya dahil sa sagot mo. haha. ang gulo ba? nyahah.
    naisip ko lang baka pinoproblem ni manuel na sya ang ama ni baby? haha.or kung may baby na sya.. at walang pics ng father, mas mabuti na magkausap na muna sila ni vera napakadali na lang nun kase nga friends na sila sa FB 🙂

    • oo nga.malabo kase itong si manuel kaya ako na ang nagconclude. gusto ko din sanang itanong kung may nangyari sa kanila bago sila nagkahiwalay… baka walang kamalay malay itong si manuel tatay napala sya.

  7. base… basa muna…

    sa wakas nakabase din…

  8. ang sakin naman, e ano kung anak nga nya yun, bakit babalikan ba nya kahit na wla itong anak?

    matagal na ang panahong lumipas, mapanlinlang ang muling pagkikita, maaring makapagsisisyon ng hindi tama kaya pag-isipang mabuti.

  9. myfilthyroom permalink

    hahahaha sumakit yung bungo ko sa sulat ni Manuel (hindi tunay na pangalan).. shet..

  10. Junice Lopez permalink

    love expert e!! pwedeng pwede talaga!! mabuhay ka!!

    hehe

  11. Good advice, familiar yata sa kin yang love problem na yan..kilala ko rin ata yung sender PAK!..anyway more power Papa Tacio hehe..

  12. ok sa payo ni sir tacio
    sundin yun, kailangan magtanong na lang dun sa girl at i-pm nalang at palagay ko naman sasagot yun kasi nga siya ang nagfriend request kay manuel.

  13. nakow!
    love doctor ka po?
    pwede rin bang humingi ng advice?
    loljoke!

    ang lupet lang kasi eh.

  14. mas malaki ang problema ni manuel(hindi totoong pangalan) sa grammar! nakakasakit ng ulo kung ako ansa sitwasyon mo at makakatanggap ako ng ganyang email, nako! baka isent back ko sa kanya ng 1million times gang sa mapuno na inbox nya at magka letse letse na buhay online nya hahah.

    TARAGIS! mas gusto kopang pag usapan yung janitress nyona feeling yata eh nasa pamamahay nya ang CR haha, tama ka kung walang gagamit ng CR eh ano pa magiging trabaho nya! sarap namang isalang sa hotseat ung janitress na yun! nakoo! ewan nalang hahaha

    • haha.taragis wag kang magbiro ng ganyan. baka magtampo itong si manuel.
      namumuro na sya sa akin. balak ko ngang regalohan ng bomba yong janitress namin sa pasko eh.

  15. Dear kuya Tacio.

    I have something to consult din eh. You know, may puso is making kabog-kabog pero dyahe naman to lapit me sa crush me.

    Paano ba mang-akit Kuya tacio?

    Umaasa.
    Jakul

    • Jakul,

      masmapagpapayuhan ka namin (pati ang mga mambabasa) kung ide-detalye mo yang tungkol sinasabi mong ikukonsulta mo. bakit ba kumabog?
      makakatulong ang mga detalye para makapag -isip tayo ng magandang stratehiya tungkol sa plano mong pang-aakit.

      e-mail mo nalang ang detalye sa pilosopo_tacio@ymail.com

      salamat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: