Skip to content

glee

September 29, 2010

Araw ng linggo.

Hindi ako naglalako ng tinapay at balot sa araw na ito kaya naman ang oras ko ay nakatuon lang sa pagbabasa ng electronic bible (oo naman) at syempre pa, pagkatapos ng ilang minutong pagninilay, surf all you can na ako sa internet!

“ang buhay nga naman, hindi mo alam kung saan ka dadalhin nito” nagmumuni ako habang pinapanood ang ‘glee’ sa youtube. Iimaginin ko na sana na kasama ako sa glee (naalala ko kase ‘yong sinabi ng isang paranormal psychologist na kung gusto mong makamit ang isang bagay ay imaginin mo lang na nangyayari ito sa iyo) nang mapatuon ang aking pansin sa nagkakantahan sa labas ng aking munting barong-barong.

Nag-iinuman nanaman itong si Mang Bayani at ang kanyang grupo. Mula sa maliit na bintana ay tanaw na tanaw ko sila. Masaya at parang kontentong kontento sa kanilang ginagawa—ang mag-inuman. As usual, itong si Crispin ang gitarista (dati raw siyang member ng banda sa kanilang eskwelahan bago ma-drap awt). Si  Florante (undergraduate ng kursong accounting at ngayo’y isang kobrador ng jueteng) ang tanggero. Salitan naman sa pagbangka ng kwento itong si Jose at Andress. Laging ikinukwento ni Jose ang tungkol sa napakaraming babaeng dumaan (di umano) sa kanyang mga kamay.  Si Andres naman, dayo lang dito sa aming lugar pero ayon sa kanya, galing siya sa isang pamilyang may sinasabi sa kanilang lugar ngunit mas piniling mamuhay ng simple (hindi ko alam kung bakit) sa pamamagitan ng pagkakargador  sa palengke. Hindi rin mawawala sa umpukan si Elias (dito daw siya isinilang kaya naman kabisado niya ang pakikot ikot dito sa aming lugar. hindi siya  nakapag-aral at walang hanap buhay) siya ang tagabili  ng alak, yosi at pulutan sa tindahan ni aling Mary.

Mula sa pagsilip sa bintana ay ibinaling kong muli ang aking mga mata sa aking pinapanood sa youtube pero tapos na pala ito.

*hikab* sinalo ko ang aking mukha at bahagya itong hinaplos-haplos habang dahan-dahang sumandal sa dingding.

Bagama’t may pagkasintonado, hindi ko masasabing ingay ang kantahang nililikha ng mga nag-iinuman sa labas. Nasanay na ako sa araw-araw na ganito ang sitwasyon dito sa aming lugar. ang mga ingay mula videoke, sigawan ng mga nag-aaway na mag-asawa, kantahan at kwentong lasing para sa akin ay bahagi na ng buhay.

[Music: Yesterday,
All my troubles seemed so far away,
Now it looks as though they’re here to stay,
Oh, I believe in yesterday. ]

Dinig na dinig ko ang pag-awit nitong si Crispin. May boses siya sa totoo lang kaya lang medyo  may tama na  kaya naman pati nota nito ay gumegewang narin.

Mula sa indayog ng gumegewang na awiting lashing ay unti –unti akong iginupo ng antok. Siguro’y dahil narin sa pagod mula sa isang linggong paggawa.

Ilang sandali pa may mga tinig akong narinig.

Tinig 1 : alam mo dapat inaalagaan natin ang mga punongkahoy dahil sila ang umaalalay o sumusuporta sa lupa upang hindi ito gumuho. Kaya ako nagtanim na ako ng puno sa likod ng bahay namin.

Tinig 2:  ano yang sinasabi mong ‘yong punongkahoy ang sumusuporta sa lupa para hindi ito gumuho? Kalokohan! Bakit, nakakita kanaba ng kahoy na nakatayo na walang lupa? Ako nakakita na ng lupa na walang kahoy! ‘Yong lupa ang sumusuporta sa kahoy para hindi ito matumba! Tanga!

Tinig 1: ‘Aba, wag mo akong mumurahin! Gusto mo suntukan nalang!

BOOG. !~%^&*#!

Blaaag!  !~%^&*#!

Tsug!

BLAAAAG! !~%^&*#!

Bigla akong nakarinig ng mga sigaw kaya naman biglang nagising ang diwa ko.

“huh, akala ko nananaginip ako. Yun pala’y usapang lasing lang ang naririnig ko habang nakapikit”. Bigla akong tumayo at sumilip sa bintana.

Mula sa bintana ay nakita kong hawak-hawak ng mga tanod na si Mang Emilio at Kuya Burgos itong si Florante at Jose na animo’y mga asong ulol na gusto paring magkagatan kahit inaawat na sila.

“tsk..tsk, itong mga ‘to talaga. Sila-sila nalang nag-aaway pa” deretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Mabuti nalang at mabilis na nakaresponde itong aming mga magigiting na barangay tanod, kung hindi baka nagkamatayan na itong sina Florante at Jose. ‘Yan ang inam kong manginginom ang mga tanod, kapag may away sa inuman nandun sila para umawat.

—————————————————————

Sa susunod, babasahin natin ‘yong e-mail ni Aljohara. Babasahin ko sana kanina pero masginusto kong panoorin si charice e. Pasensya aljohara.

*hawak sa kilikili saka aamuyin*  ang asim ko na!

Makaligo nga muna.

Dito ko muna puputulin ang ating kwentuhan magsa-shut down muna ako at bibili lang sandali ng shampoo sa tindahan ni aling mary.

Advertisements

From → personal

26 Comments
  1. isa siguro sa mga hindi maiiwasang tanawin sa aming barangay ang mga tagayan sa kanto tapos nauuwi sa basagan
    parang shooting lang eheheeheh

    hindi ko pa po napanood ang glee

    naniniwala din ako na walang imposible na maabot ang mga pangarap

    tara kuta tacio kanta tayo sa youtube baka madiscover tayo, pagkatapos mong maligo ha maguupload tayo sa youtube, hihihi

  2. Sosyal mo naman po, Ka Tacio. Pagkatapos ng isang linggong paglalako, electronic Bible naman ang hawak mo tapos sufr-all-you-can pa hehehe 🙂

  3. ang aga namang lasingan nyan, nangasim ka tuloy sa kakapanood mo ng glee habang nakikinig ng kwentong senglot.

    • alvin, nagtitipid daw sila sa kape kaya inuman na sila sa umaga. di kase maiwasan e. di naman pwedeng palayasin ang mga kapitbahay 🙂

  4. Sphere permalink

    Electronic Bible tlga sosyal! ahahahha 🙂

    parang palabas lng sa mga sinehan ang eksena 🙂

    • kunwari lang yun. masmasarap na kaseng humarap sa pc kesa humawak ng bible kaya naisipan kong sa pc nalang magbasa 🙂

      salamat shere. balik ka sa nxt attraction.

  5. galing a…kay ganda ang diskripsyonmo sa mga karakter at ng setting parekoy… electronic bible, meron ba ‘yan…pinagtitiyagaanko na lang ang napulot kong bible…hay…at iniimigin din ang mga karugtong sa mga punit-punit na page…parekoy…napaginipan kong magmamahal daw ang presyo ng asin…napatente na kasi ang pagsasana…. 😀

    • meron nyan pare koy.hehe.
      nabalitaan ko nga. kaya aalisin ko na siguro yong promo kong unlimited asin.

      • parekoy, parang nakalimutanko yung project nating komiks… teka, sa blogko na lang i-poste ata ang script…bahalaka na sa drowing…he he he

  6. ayos a mga tao sa ano ang gamit…

    teka ano yung blag blag blag

    napahalakhak mo ko sa last liner mo ah yung maasim na =))))))

    wahahahahah

    aabangan ko liham ni alajora

    • sound epek yun ng sundukan.siguro’y may mga ipinalong matitigas na bagay kaya nagkaroon ng ganoong ingay.
      salamat jason. liham kana rin 🙂

      • teka nag iisip pa ko kung anong problem ko ang ililiham ko :))

  7. haha. hmm, para akong…ano bang tawag dito, hmm…parang nakikinig ng radyo. oo tama. yung drama sa radyo.

    Tauhan 1: Eto na, sasaksakin na kita. ididikit ko na ang kutsilyo sa tyan mo. ayan na. Magdudugo na..

    Tauhan 2: Walangya kaaaaaaaaaaaa! Tingnan mo ang dugo…

    Tauhan 1: Mamamatay ka na…At mawawalan ka na nga ng hininga.

    Pero binasa ko talaga to. Kasama ata ako sa mga nakwento mong nagiinuman. parang pamilyar sakin ang mga karakter eh. weh.

    • haha.mga ganyang tipo ang dulang pinapakinggan ko noon nalaine. aba.wag mong sabihing tomotoma ka rin sa gilid gilid 🙂

  8. kumpleto detalye talaga ang mga tauhan…

    may mga ganitong mga tagpo talaga sa mga kanto…mga tambay na nagiinuman animo uhaw na uhaw sa alak ung kanilang mga lalamunan…wapakz

    hello pilosopo tacio…

    • hello arnie. salamat sa pagdaan. minsan daan ka dito at inuman tayo.haha

      • Arnie permalink

        hello ulit…cge inuman na tayo…juice ba???

  9. para kung pinapanood ng live ang eksena..

    aabangan ko nalang ang liham alajora… na-curious ako ano yon, teka! backread na nga lang..hahaha

  10. hi po..pilosopo talaga..:D

  11. mahusay kang writer,pre.

    nabubuhay mo kasi yung paligid at mga karakter mula sa kwento mo.naiimagine ko na andun ako sa ainuman pero nakauwi na at natulog bago pa mag away ang mga lasenggerong mga ‘yan.hahaha!

    • haha.yan ang umiinom. kapag lasing natutulog na!
      salamat p’re.
      balot? ilan? tatlo ba?babasagin ko na?

  12. very detalyado ang kilos.. anghusay..

    sana marunong ako nyan.. nabasa ko na lahat ng entry mo.. magaan basahin at nakakaaliw..

    salamat sa pagdaan sa blog ko.. 🙂

Trackbacks & Pingbacks

  1. gusto kong mag-update ng blog « BLOGRAPHICS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: