Skip to content

Napapa-poker face

October 2, 2010

Pagkatapos kong maligo kanina, iniluto ko ‘yong pansit canton na binili ko sa tindahan ni aling mary para naman may mameryenda habang nagba-bloghop at nakikipag-ungguyan sa mga kaibigan ko sa FB. nagtimpla rin ako ng aking paboritong durian juice.

Syempre, nung naihanda ko na ang masarap na pansit canton (with chili and calamansi + Vit B1 + B2+ anti-aging formula), muli akong lumapit sa aking lappy para mag-online.

“Siguradong inaabangan na ako ng mga kaibigan ko sa FB”, ngumunguya pa ako ng canton at pinupunaspunasan ng malambot na tela ang lcd ng aking lappy habang nagbo-boot ito.

Pagbukas na pagbukas ng windows ay dumeretso na ako sa FB, “mamaya na ako mag-bloghop” (tamang adik lang).

Sa himig ng napakalakas na tugtuging POKER FACE (ni lady gaga) na nagmumula sa bagong component na made in china ng kapitbahay, na walang pakialam kung nakakabulahaw ba o hindi, pinaiikkot ikot ko ‘yong ilang hibla ng pansit canton sa tinidor na hawak ko. Napapa head bang na ako nang mapansin ko ‘yong napakaraming gift request ng mga FB prens ko. “sorry nalang kayo, hindi ako mahilig sa online games kaya wala kayong mapapala sa akin” sabay subo uli ng pansit canton.

Can’t read my,

Can’t read my

No he can’t read my poker face

(she’s got to love nobody)

Can’t read my

Can’t read my

No he can’t read my poker face

(she’s got to love nobody)

Para akong si boy gago na nakikisabay sa kanta ni lady gaga.

Tumayo ako sandali para itutok sa akin ‘yong electric fan at pagbalik sa harap ng lappy, mapagtuunan ko ng pansin ‘yong unread email sa inbox ko.

“Si Aljohara”, ngumunguya ako ng pansit canton at halos maluha sa anghang nito.

Pina-follow-up na n’ya yong email nya sa akin. Sige na nga, basahin ko na! subo uli ng pansit canton.

tacio,

isa akong empleyado ng gobyerno sa pamahalaan ng Koorookookook. Hiniling ko sa Diyos noon na makapasok sa departamentong ito dahil alam kong makakatulong ako sa mga mamamayan ng korook. Masaya naman ako sa dito sa ngayon, sumusweldo ako ng alam kong hindi maikukumpara sa ibang kasabayan ko dito sa aming bansa. Madami ding prebilihiyong naibibigay ang kumpanya ko na alam kong kung lilipat ako sa iba ay hindi matutumbasan ng kung ano man ang natatanggap ko ngayon.

Masaya din ang mga katrabaho ko, hindi ko sila kaaway, at natutuwa sila sakin madalas dahil ako ang clown nila. Sa kabuuan masasabi kong mayroon na akong magandang trabaho.

“Anak ng…..”, nadistract ako sa naglalampungang pusa malapit sa bintana.

[Tumayo> lumabas> pumulot ng bato> binato ‘yong dalawang pusa]

BLAAAAG!

[Pumasok] Basa uli.

Ngunit, sa edad kong ito na 23, dapat ay nangangalap pa ako ng makabagong kaalaman hindi ba, walang software ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, lahat de-manwal, de mano at napapabilis lamang sa tulong ng excel, samakatuwid ay hindi ito nakakasabay sa makabagong mundo ng teknolohiya.

Nagdadalawang isip ako, may nakapagsabi kasi sa akin na mas malaki daw ang pasweldo sa bansa ng Filipatoo, pero alam kong hahanapan nila ako ng mga karanasang hindi ko maibibigay sa kanila. Ano bang dapat kong gawin, kailangan na ba akong umalis sa ‘compost zone’ ko o dapat ay wag kong sayangin ang pagkakataon habang ako ay bata pa.

Nagmamahal,

Aljohara

———————-

[Napakunot ako ng noo. inom ng juice. tanaw sa bintana. balik sa lappy]

Reply:

Aljohara,

Anong ‘compost zone ba yan? Baka comfort zone? Pero kung yan ang tingin mo sa kalagayan mo ngayon, palagay ko masbagay itong tawagin mong ‘decompose zone’ dahil diyan kana tatanda at mabubulok kapag nagkataon..hehe.

Ang masasabi ko lang, buhay mo yan. Ikaw ang nakakaalam kung saan ka magiging masaya. Kahit kase sabihin kong mag-stay ka nalang dyan. o kaya, oo sige, pumunta ka dun, sa bandang huli, ikaw rin ang masusunod. ‘di mo naman ako padadalhan ng sapatos kapag nandun kana diba?

Pag-isipan mo. Pakinggan mo ang puso mo. Anu ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Anu ba ang priority mo?  Anu-ano ba ang mga bagay na gusto mong abutin? Ngayon, kung ang sagot mo sa mga tanong ko ay wala o hindi mo nakikita sa kasalukuyang trabaho mo, ngayon pa lang magsimula ka nang humanap ng bagong trabaho.

Napakabata mo pa nga. Teka, ano ba ang mga gusto mo pang matutunan? mag-aral ka kaya. ‘yong aral na kahit hindi papasok sa skul. Kase sa panahon ngayon, madali mo nalang matututunan ‘yong isang bagay na gusto mong matutunan. Lahat yata ng bagay na pwdeng matutunan nasa internet na eh. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, alam mo bang sa internet ko lang natutunan ‘yong mga stratehiyang ginagamit ko ngayon sa pagtitinda ng balot?

Ano ba ang mga bagay na dapat mong matutunan para matugunan mo ‘yong hinihinging karanasan o skill para mapunta ka sa bansang Filipatoo? Kung mga technical skills tulad ng paggawa ng apoy, pagbabalot ng suman, paggawa ng sweet salt at pagpapatakbo ng saklaan, mag-aral ka sa TESBA may mga libreng training sila para sa mga ganito.

At pang huli, (ito ang pinakamahalaga) tutal sanay ka namang magpoker poker face dahil ayon sa ‘yo ikaw ang clown sa opis n’yo, subukan mo kayang pumasok ng naka-clown costume? Maganda kung sa araw ng lunes mo ito gagawin at siguraduhing nandun ang boss mo. Bakit? Baka kase ito ang maging dahilan para palayasin ka sa trabaho mo. O, di hindi kana mahirapang mag-isip kung mananatili o aalis ka dyan!

Salamat sa pagsulat mo.

Pwde mo akong i-text anytime kong gusto mong kumain ng balot,

.

Tacio

Sa mga mambabasa po ng kwentong tacio, ang numero unong kwentuhan ng bayan (parang tv station lang ‘yan, laging nagki-claim na sila ang number 1), pagpayuhan n’yo nga itong si Aljohara.. Salamat po!

SUSUNOD: abangan n’yo ‘yong kwento ko tungkol sa hi-tek na sari-sari store ni aling mary.

Advertisements

From → e-mail sender

33 Comments
  1. Ang ganda ng tunog: Tacio/Aljohara. Wala akong ginawa kungdi tumawa. nakakatuwang kuwento Igan. Nabanat ang panga ko sa katatawa pati dibdib ko ay lumuwag sa paghinga. Salamat sa pagbisita sa aking dampa.

  2. hahaha. hi mang tacio, bago po ako sa blog mo, nakabukas lang po tong site mo palage sa tabs ko pero ngaun lang nagkaroon ng pagkakataong magbasa. hihihi.
    ganito po pala ang set up ng blog mo. henyways,
    ang masasabi ko lang po kay aljuhara.
    isang taon lang ang agwat natin, at masasabi kong alam ko ang feeling na yan, sometimes you just need to be patient and wait for the right time para maglevel up. mas masarap sigurong kumain ng bibingka kapag tamang luto ito, at hindi hilaw o sunog, ganon din sa kareer natin, ako I told myself two years lang ako sa pinag woworkan ko ngaun, but i am making most out of it. pinag aaralan ko ang mga dapat pag aralan sa aking trabaho, kahit hindi ko sakop, i maintain that thirst for learning new things. at some point naramdaman ko din maging stagnant kaya I dont allow my mind to be idle, i read books, self help books, i mingle with people and learn from there stories, i travel and write, in that way, hindi ko lang umiikot ang buong mundo ko sa office. pagdating sa de manual na trabaho, mas magandang makitaan ka ng iyong boss ng mas magandang output gamit ang teknolohiya, i know medyo idealistic, but i think kahit sinong boss kapag nakita nyang mas napapadali ang lahat ng trabaho sa isang sistema, hindi sya magdadalawang isip na ito ay ipatupad sa pangkahalataan. ay sorry, hindi sali sali ang ang koments, pagbigyan na hahahah. 😛

    • ang tindi ng payo mo MB. ayos na ayos. actually, yang mga yan din ang gusto kong sabihin kay aljohara e.haha

      oo tama ka at sumasang-ayon ako sa mga sinabi mo. sana mabasa ito ng email sender natin.

      teka lang, kaibigang mb, baka gusto mo ring mag-email sa akin?hehe

      salamat.

      PS. nagdedeliver ako ng pan de sal. contakin mo lang ako kung gusto mo 🙂

      • hahah hoho ba, walang problema. ano po bang eemail ko sau? ung order namin sa office. hihihihi

      • baka kako gusto mo ring sumulat kay tacio.haha
        sige, magdeliver ako dyan. san ba yan?ilang toneladang pandesal ba?

  3. compost zone wahahahahahhahaa

    aljohara.. wag kang magmadali o mapressure.

    stay ka muna dyan for 1 year. makakatulong yon sa paghahanap mo ng mas better na trabahong work. oha

    • cont… tapos dapat ang job na iyong makukuha ay yung may development ka sa iyong skills at sa iyong sarili. yung tipong natututo ka na, nag gogrow ka, at kumikita pa -bonus na ito,.

      good luck!

  4. myfilthyroom permalink

    huwaw! lappy talaga? haha sowsyaaaaal…

  5. anak ng… poker face ha?!

    stayka muna dyan sa workmo…nakapagpapasayaka naman e…dahil clown ka… nyaahhh ha ha !

    pag-isipanmo ng mabuti, kung may option sa stocks bili ka na…tignanmo ako, stockholder na ako sa controlled dumpsite ng nation namin… may sarili pa akong teritorio… sa tambakan…pag tatagalka dyan baka ikaw na ang maging boss…

    • tama ka ka loren.

      aba baka pwde ako bumili ng stock para naman madagdagan ang pagkakakitaan ko.

      • wala pang public offering ngayon P. Tacio, public dumping everywhere, madami… :D… paalala lang, dapat may bitbit kang basurahan, mahirap walisin ang balat ng balut e… tapos ang idinudurang balahibo ha ha ha… iwasanmo ring ilagay sa plastik ang mga orders… sa damit na lang nila ibalot ang balot ‘pag tek hom…

  6. yun oh, yung head bang moves ni mang tacio

    masasabi ko lang pag-isipan niyang mabuti
    timbangin niya ang mga bagay-bagay
    at higit sa lahat kung saan siya masaya
    at sa mas ikakalago niya bilang indibidwal

    be blessed po mang tacio!

    • haha.
      salamat sa payo mo sa kaibigan nating si aljohara ka pong.

      mabuhey!

  7. Hmn, parang may pinanggagalingan itong sulat na ito ni Aljohara ah hehehe.

    May mga tanong lang po ako, kapatid na Tacio:
    1. Saang kontinente po ba matatagpuan ang bansang Filipatoo?
    2. Ano po ba ang ibig sabihin ng TESBA?
    hehehe

    P.S.
    Napansin ko, ayon sa datos sa ibaba, mahigit 800 tonelada na ng balot ang naibenta mo. Aba, magaling ka palang salesman! Congrats! Dapat may pa-burger, o kaya pa-frenh-friends, o kaya pwede na rin pa-pandesal at pa-balut hehe

    • kapatid,
      haha. totoong tao si aljohara, at totoong nag-email siya sa akin.alam ko ang iniisip mo e.haha

      buti pa mag-email kanarin kay tacio. 🙂

      mga sagot sa tanong mo:
      1. Antarctica
      2. Technical Education and Skills Basement Authority 🙂

      pandesal na may palamang balot kapatid, masarap 🙂

  8. Pwede naman siyang bumalik sa gobyerno lalo na may kakilala siya ngayon.

    Kung gusto niya talaga ng ibang work, hanap siya ma multinational companies. Sa banko, ayos din. Kung gusto niya magbusiness, mas ayos din. Pero ako nga, gusto ko sa gobyerno eh. Mas trip ko dun lalo na sa RTC.

    Saan bang dept ng government siya nagwo work. Sa MMDA ba?

    • I didn’t know this was you -eli- not until you commented on my blog. Yey.

  9. ay naku kapag di ka na masaya lumayas ka na… mahirap yung everyday pinipilit mo sarili mong pumasok… mahirap ung sobrang bigat na yung paa mo kapag tumatapak ka sa opisina ninyo… marami naman opportunities jan.. as in madami!
    alam ko yung DENR may hiring taga bilang ng puno… yay! haha! pero seryoso sundin mo ang puso mo. 🙂

  10. kung ayaw na umalis na lng. ang hirap kaya na pinipilit m lng sarili mo…hehehhe
    hello po.. bisita lng po…\pde po bng mkipg link exchange? kung ok lng po.. slmt

  11. ahahaha… naawa ako sa pusa(bad yung ginawa mo), sana sa sususnod magshare ka ng pansit canton… favorett ko rin yan…

    yehmen!!!!

  12. Rico Catinec permalink

    Padaan lang po,,,
    Makikisubi na rin ng pancit canton habang binabasa ko itong post mo,,,
    MMMMM

  13. hooops! nakarating din ulit dito, napadpad muli, teka saglit ha, sa mga nagnanais na magkaroon ng saliring portfolio website, ito na yun http://www.orphicpixel.com/premium-accounts-from-wix/

    kumusta naman dito?

  14. hindi pa ako makakonek kasi nag-aaral pa naman ako eh.
    hakhak!
    next time na lang muna ako magrereak. hakhak!
    ay teka nagreak naman na ako ah.
    ay ewan!

  15. durian juice?

    taga davao ako tacio pero wala akong narinig na durian juice…durian fresh milk lang…

  16. helloooooo…pabiling balut!

  17. wala ba bang bago dito ha, P. Tacio? Nakakainip na,e. Maka-email nga sa’yo…
    ummmm…dito na lang kaya…

    Kuya Tacio,

    Syet, nahihiya ako.

    Ayawko na sana ang FB, pero pilit pa rin akong ni-rerequest na kami’y maging friends ng mga di ko naman dating friends…napupuno na nga ang inbox sa na hacked na email add ko e…

    At mga mafiako, lagi na lang nagpapatulong…help! ‘yan ang sigaw (shout) nila sa sa kanilang pader (wall). ba’t nga ba sigaw pa ang gamitin sa pader? ipinta na lang kaya nila o idikit ang mga inilalagay nila. paano ko ba sasabihin na ako’y nabibingi na sa mga shouts na ‘yan?

    At, saka, ayaw ko lang silang i-block, basta, gustoko, ayawko silang kaibigan, hay friends ba naman ang turing, e, ne pandesal na ipasubi sana sa aking kariton, e, wala! Pa’no ko ba sasabihin sa kanila na di kami friends?

    ano ba ang pampaalis sa naaadik ko ng isip upang mallimutan nang lubusan ‘yang FB na yan?

    Paano ko ba sasabihin na huwag pakiaalaman ang aking sakahan? isigawko rin ba? o, iposteko na lang?

    buwisit din ako sa kalabaw na maangas at pati pepsi pinagkadiskitahan…alaga mo ata, yun? pakitali na man plis. nagagasgas ang paderko sa kaniyang sungay? (joke)

    ano ba ang dapat kong inumin para mawala ang pagka-adikko sa FB? kapeng nescafe? kapeng great taste, barako? o blend forte rice na galing sa philrice? ano ang ihahaloko? muscovados?

    sana sagutin mo din sa sang postmo ang mga tanongko para may maiblog ka na rin…

    sumasainyo,

    basurerongpinoy
    😀

  18. aha! malagay nga ito sa karitonko….para may malagay na basura
    :d

  19. bwahahah tawang tawa ako dito..^_6

  20. wow at may durian juice nrin pla..gusto kong tikman

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: