Skip to content

Mang Pinong

April 18, 2011

madalas kung madaanan si mang pinong tuwing hapon habang nagtitinda ng fishball. dun kase siya madalas pumuwesto sa dinadaanan ko pauwi ng bahay kaya naman hindi maiiwasang hindi ko siya mapansin.

madalas ko siyang makitang masaya. pakanta-kanta habang nagluluto ng fishball. dahil dun nakuha niya ang attention ko. “mabuti pa siya nakukuha niyang maging masaya at parang enjoy sa kanyang ginagawa samantalang ‘yong iba, halos nasa kanila na lahat ng luho pero puno parin ng reklamo sa buhay”.

minsan nanibago ako sa kanya dahil sa parang matamlay siya. naisip ko, baka kailangan niya ng kausap kaya lumapit ako, “mang pinong, kumusta ba?” tanong ko habang tinutuhog ang tatlong piraso ng fishball at dahan-dahan itong isinawsaw sa ‘sauce’ na ang lalagyan ay may label pang “HOt”. “eto…” matipid na sagot at may pilit ang ngiti habang nagpatuloy sa kanyang ginagawa. ako naman, patuloy lang sa pagkain kahit halos maluha sa anghang ng sawsawang napili ko. hindi naman kami ‘close’ kaya hindi ko rin inaasahang i-kwento niya sa akin kung anuman ang nasa isip niya.

hindi nagtagal may isang grupo ng kabataan ang lumapit sa amin at bumili ang mga ito. ako naman, tumuhog uli ng apat pang fishball, at hindi narin naglakas loob pang magsawsaw ULI sa maanghang niyang sauce. Nagbayad ako pagkadukot ng bente pesos sa bulsa ko at umalis na pagkatapos niyang ibalik ang aking sukli.

kinabukasan, naisipan kong dumiretso muna sa palengke bago umuwi ng bahay. mahilig din kase akong maglakad-lakad tuwing hapon lalo pa’t alam kong wala naman akong mahalagang gagawin sa bahay. bago makarating ng palengke, natanaw ko ‘yong mahabang pila ng mga tumataya sa lotto.“ang dami nanamang nangangarap” nasambit ko bahang dinudukot ang cellphone sa bulsa ko para tingnan kung may message ako.

papalampas na ako sa lotto outlet nang napansin ko ang tribike ni mang pinong na siya niyang ginagamit sa pagtitinda ng fishball. nagpalingalinga ako at maya-maya lamang ay nakita ko siya na nasa harap ng pila–tumataya ng lotto si mang pinong. saglit akong huminto sa aking paglalakad at tumingin sa nakapaskil sa harap ng lotto outlet na iyon at eto ang nabasa ko “MEGA LOTTO JACKPOT 95M”. bago pa ako makumbinsing tumaya ng mapanuksong nakapaskil na iyon nakita ko si mang pinong na inaabot ang tickiet mula sa kahera. pagkaabot umalis na ito ng pila at lumapit sa kanyang tribike. dahan-dahang tinutupi (ng maayos) ang ticket ng lotto at inilagay ito sa kanyang wallet.

kakaiba ang napansin ko kay mang pinony habang hawak-hawak ang ticket ng lotto. isang mang pinong na punong puno ng pag-asa’t abot tenga ang ngiti habang animo’y may mga bagay na kumikiliti sa kanyang isipan. tumingin uli ako sa mga taong nakapila at nakita ko ang iba’t ibang klase ng tao– may tindera sa palengke, kargador, tricycle driver, mga propisyonal, mga empleyado ng iba’t ibang ahensya at mayroon ding businessman.

naalala ko ‘yong minsan na tumaya ako ng lotto (una at huling pagtaya ko). inutusan ako ng amo ko nun (working student ako at nagtatrabaho sa isang computershop) para bumili ng bond paper na gagamiting namin. nakita ko yong mahabang pila ng mga tumataya ng lotto kaya pumila rin ako–halos 25 milyon yata ang jackpot. pagkatapos kong tumaya naisip ko, “kung papalarin akong manalo hindi ko na kailangang magtrabaho para makapag-aral. hindi na rin kailangang magtrabaho pa ni nanay sa bukid, makakabili na ako ng mga bagong damit, mapapalitan ang pudpod na sapatos, maipapaayos ang aming bahay at maililibre ko narin ‘yong mga kaibigan kong madalas manlibre sa akin”. Hindi ko namamalayan naglalakbay na pala ang isip ko at unti-unting pinaplano kung saan ko gagamitin ang perang papanalunan ko sa lotto

Bagama’t ibaiba ang estado ng mga taong nakapila, iisa lang ang nakita ko sa mukha nila ng hapong iyon. punong-puno sila ng pag-asa. ibinalik ko ang atensiyon ko kay mang pinong pero malayo na siya.

pagdating ng bahay, hindi maalis sa isip ko ‘yong kakaibang ngiti ni mang pinong. Oo nga’t madalas ko siyang makitang nakangiti pero ibang iba ang ngiti niya nang hapong iyon, NGITING MAY NAKADIKIT NA PAG-ASA.

Advertisements

From → karanasan

4 Comments
  1. Ang tagal bago ka ulit nagsulat mang tacio!
    kamusta ka na po?
    di ako tumataya sa lotto kaya for sure di ako mananalo. xD
    kidding aside di kasi ako naniniwala sa swerte kaya siguro di ako nahikayat tumaya ng lotto.
    siguro may pinagdaraanan lang si mang pinong kaya medyo matamlay siya sa pag-abot ng hot sauce para sa fishball. namiss ko ang fishballs penge naman. xD
    seriously, kahanga-hanga ang mag taong nagsisipag para abutin ang kanilang mga naisin sa buhay. kanya-kanyang hugot ng pag-asa.
    Mabuhay ka po at welcome back!

    • sapamat pong.
      oo medyo natagalan nga bago uli ako nag-update. mangyari nga kase. naging busy ako sa mga gawain at medyo nanamlay ako sa pagsusulat kaya naman nawala ako ng matagal.

      kahanga-hanga ang sipag nila. ako rin hindi tumataya kaya sa malamang di rin ako manalo.hehe. ang swerte nasa ating mga kamay yan. nasa atin kung pano natin gagamitin.

  2. sa kaso ni mang pinong, hindi ko maiaalis na sumubok din siya sa gaya ng lotto. minsan kasi, sa gaya niya, parang kulang lang ang maging masipag para guminhawa. hahanap ka talaga ng paghuhugutan ng pag-asa na mailap man o parang napaka imposible, kakagatin.

    malay nga naman natin, di ba?

  3. duking, oo nga. di natin masisi ang mga kababayan natin kung sa lotto nila makita ang pag-asa. sa bayan nating tila ang pag-asa ay nasa kabilang ibayo, di talaga maiiwasan ganito. maganda nga rin kase may nakikita akong positibong epekto ito sa kanila…yun ay magkaroon ng pag-asa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: