Skip to content

Kaysarap maging malaya

June 12, 2011

Mamamatay akong di nakikita ang ningning ng bukang-liwayway. Kayong makakakita, salubungin ninyo siya at huwag kalilimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi - J. Rizal

Bagaman at may mga nagsasabing peke ang kalayaang ipinagdiriwang natin at ang bukang liwayway na hinihintay noon pa ng ating mga bayaning nagbuwis ng buhay ay pinaliliwanag lamang ng mga artipisyal na ilaw..gusto ko parin kayong batiin ng Maligayang Araw ng KALAYAAN.

Napakapalad natin dahil kahit paano’y may nakikita tayong liwanag. Ipagdiwang natin ang liwanag at ‘wag tayong padaig sa dilim na dulot ng pagkamakasarili, pagtataksil at kawalang pagmamahal.

 

PS: ang larawang ito ay kuha ko sa loob ng FORT SAN PEDRO (sa cebu city)  noong nakaraang Abril.

Advertisements

From → personal

16 Comments
  1. Oo nga, andaming nagsasabi na pekeng kalayaan ang ating tinatamasa sa ngayon.. pero hindi iyon dahilan para balewalain ang mga sakripisyong ginawa ng ating mga sinaunang bayani. Maligayang araw ng Kalayaan, Pilipnas!

  2. Masarap magin malaya…. kung peke man ang araw ng kalayaan natin ay hindi naman ganun ang ating nararamdaman. Ang kalayaan na meron tayo ay higit sa nakaraan.

  3. Tsiremo permalink

    Tama! Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas at sayo Tacio!

  4. Yung pinagdidiwang naten ngayon eh yung kalayaan natin dati mula sa mga dayuhan. Kungbaga ginugunita natin ang araw nayun. Ibang usapan na kung malaya man tayo ngayon o hinde. Tingin ko kase. Hinde. Lels ello lolo tacio

    • oo nga jason. kung pag-uusapan ay ‘yong ibang konsepto ng pagiging malaya, palagay ko mahabang usapin yan.pero tandaan natin na ang kalayaan ay may hangganan.

  5. Kalayaan, napakalalim na usapan nito. At relative din itong konseptong ito. Malaya saan? Sa dayuhan? sa kahirapan? sa mga tanikalang tayo mismo ang gumawa? Dahil ang kalayaang ito ay sa panahon ng mga rebolusyunaryo, ito ay kalayaan nila mula sa kanilang mga ipinaglalaban. Kaya, ito ay ikinasasaya ko rin. Tama ka, napaka-palad natin.

    P.S.
    Sana may sense sinabi ko kasi bagong gising ako, Kapatid, at di pa yata organisado ang utak ko lolz!

  6. By the way, kuha mo ba ang larawan? Maganda. Talagang you’re into photography na talaga ha 🙂

  7. kapatid, oo kuha ko nga ito. kuha ko ito sa loob ng Fort San Pedro sa Cebu City. salamat kapatid at nagustuhan mo.hehe
    mabuti’t natanong mo…idadagdag ko nalang ‘yong impormasyon tungkol sa larawan sa baba ng posteng ito 🙂

    nag-aapura kase ako at diko na naharap pang lagyan ng watermark ‘yong pix. 🙂

  8. Masarap maging Pilipino, Masarap maging Malaya

  9. Long live the Philippines. Long live the Filipino people.

  10. I love the play of light. Nice picture. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: